9 Ang marurunong ay napahiya.+ Sila ay nasindak at mahuhuli. Narito! Itinakwil nila ang mismong salita ni Jehova, at anong karunungan ang taglay nila?+
39 At sinabi ni Jesus: “Ukol sa paghatol+ na ito ay pumarito ako sa sanlibutang ito: upang yaong mga hindi nakakakita ay makakita+ at yaong mga nakakakita ay maging bulag.”+
26 na sinasabi, ‘Pumaroon ka sa bayang ito at sabihin mo: “Sa pakikinig ay maririnig ninyo ngunit sa anumang paraan ay hindi mauunawaan; at sa pagtingin ay titingin kayo ngunit sa anumang paraan ay hindi makakakita.+
28 At kung paanong hindi nila sinang-ayunang kilalanin ang Diyos ayon sa tumpak na kaalaman,+ ibinigay sila ng Diyos sa isang di-sinang-ayunang kalagayan ng isip,+ upang gawin ang mga bagay na hindi nararapat,+