Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 29:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 kaya narito ako, ang Isa na muling kikilos nang kamangha-mangha sa bayang ito,+ sa kamangha-manghang paraan at taglay ang isang bagay na kamangha-mangha; at ang karunungan ng kanilang mga taong marurunong ay maglalaho, at ang mismong pagkaunawa ng kanilang mga taong maiingat ay magkukubli.”+

  • Mateo 11:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Nang panahong iyon ay sinabi ni Jesus bilang tugon: “Hayagan kitang pinupuri, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat itinago mo ang mga bagay na ito mula sa marurunong at matatalino at isiniwalat ang mga ito sa mga sanggol.+

  • Mateo 13:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Ito ang dahilan kung bakit ako nagsasalita sa kanila sa pamamagitan ng paggamit ng mga ilustrasyon, sapagkat, sa pagtingin, sila ay tumitingin nang walang kabuluhan, at sa pakikinig, sila ay nakikinig nang walang kabuluhan, ni nakukuha man nila ang diwa nito;+

  • Juan 3:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 At ito ang saligan sa paghatol, na ang liwanag+ ay dumating sa sanlibutan+ ngunit inibig ng mga tao ang kadiliman sa halip na ang liwanag,+ sapagkat ang kanilang mga gawa ay balakyot.

  • Gawa 28:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 na sinasabi, ‘Pumaroon ka sa bayang ito at sabihin mo: “Sa pakikinig ay maririnig ninyo ngunit sa anumang paraan ay hindi mauunawaan; at sa pagtingin ay titingin kayo ngunit sa anumang paraan ay hindi makakakita.+

  • Roma 1:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 At kung paanong hindi nila sinang-ayunang kilalanin ang Diyos ayon sa tumpak na kaalaman,+ ibinigay sila ng Diyos sa isang di-sinang-ayunang kalagayan ng isip,+ upang gawin ang mga bagay na hindi nararapat,+

  • 2 Pedro 1:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Sapagkat kung wala sa kaninuman ang mga bagay na ito, siya ay bulag, na ipinipikit ang kaniyang mga mata sa liwanag,+ at naging malilimutin+ sa paglilinis+ sa kaniya mula sa kaniyang mga kasalanan noong matagal nang panahon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share