20 At nang sandaling mamamatay na siya, ang mga babaing nakatayo sa tabi niya ay nagsalita: “Huwag kang matakot, sapagkat isang lalaki ang ipinanganak mo.”+ At hindi siya sumagot at hindi niya itinuon doon ang kaniyang puso.
6 Gayundin, ang kanilang pag-ibig at ang kanilang poot at ang kanilang paninibugho ay naglaho na,+ at wala na silang anumang bahagi hanggang sa panahong walang takda sa anumang bagay na gagawin sa ilalim ng araw.+
16 Sapagkat ikaw ang aming Ama;+ bagaman hindi kami nakilala ni Abraham at hindi kami nakikilala ni Israel, ikaw, O Jehova, ang aming Ama. Aming Manunubos noong sinaunang panahon ang iyong pangalan.+