Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 15:39
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 39 ‘At ito ay magsisilbing panggilid na palawit para sa inyo, at makikita ninyo iyon at maaalaala ninyo ang lahat ng utos+ ni Jehova at isasagawa ninyo ang mga iyon, at huwag kayong gumala-gala sa pagsunod sa inyong mga puso at sa inyong mga mata,+ na sinusundan ninyo sa imoral na pakikipagtalik.+

  • Eclesiastes 11:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Magsaya ka,+ binata, sa iyong kabataan, at dulutan ka nawa ng iyong puso ng kabutihan sa mga araw ng iyong kabinataan, at lumakad ka sa mga lakad ng iyong puso at sa mga bagay na nakikita ng iyong mga mata.+ Ngunit alamin mo na dahil sa lahat ng ito ay dadalhin ka ng tunay na Diyos sa kahatulan.+

  • Ezekiel 6:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 At tiyak na aalalahanin ako ng mga nakatakas sa inyo sa gitna ng mga bansa na pagdadalhan sa kanila bilang bihag,+ sapagkat nasaktan ako dahil sa kanilang pusong mapakiapid na lumihis mula sa akin+ at dahil sa kanilang mga mata na sumusunod sa kanilang mga karumal-dumal na idolo upang makiapid;+ at tiyak na makadarama sila ng pagkasuklam sa kanilang mga mukha dahil sa masasamang bagay na ginawa nila sa lahat ng kanilang mga karima-rimarim na bagay.+

  • Mateo 5:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 Ngayon, kung ang kanang mata mong iyan ay nagpapatisod sa iyo, dukitin mo ito at itapon mula sa iyo.+ Sapagkat higit na kapaki-pakinabang sa iyo na isa sa iyong mga sangkap ang mawala sa iyo kaysa ang buong katawan mo ang ihagis+ sa Gehenna.

  • 1 Juan 2:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 sapagkat ang lahat ng bagay na nasa sanlibutan+—ang pagnanasa ng laman+ at ang pagnanasa ng mga mata+ at ang pagpaparangya ng kabuhayan ng isa+—ay hindi nagmumula sa Ama, kundi nagmumula sa sanlibutan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share