20 Kaya ito ay napasapagitan ng kampo ng mga Ehipsiyo at ng kampo ng Israel.+ Sa isang panig ay naging ulap ito na may kasamang kadiliman. Sa kabilang panig naman ay patuloy nitong pinagliliwanag ang gabi.+ At ang pangkat na ito ay hindi nakalapit sa pangkat na iyon sa buong magdamag.
24 At nangyari nga na nang oras ng pagbabantay sa umaga ay tiningnan ni Jehova ang kampo ng mga Ehipsiyo mula sa haliging apoy at ulap,+ at nilito+ niya ang kampo ng mga Ehipsiyo.