Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Nehemias 9:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Kaya tumanggi silang makinig,+ at hindi nila inalaala+ ang iyong mga kamangha-manghang pagkilos na iyong isinagawa sa kanila, kundi pinatigas nila ang kanilang leeg+ at nag-atas sila ng isang ulo+ upang bumalik sa kanilang pagkaalipin sa Ehipto. Ngunit ikaw ay isang Diyos ng mga pagpapatawad,+ magandang-loob+ at maawain,+ mabagal sa pagkagalit+ at sagana+ sa maibiging-kabaitan, at hindi mo sila iniwan.+

  • Isaias 55:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Iwan ng taong balakyot ang kaniyang lakad,+ at ng taong mapaminsala ang kaniyang mga kaisipan;+ at manumbalik siya kay Jehova, na maaawa sa kaniya,+ at sa ating Diyos, sapagkat magpapatawad siya nang sagana.+

  • Daniel 9:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Kay Jehova na aming Diyos ay nauukol ang kaawaan+ at ang mga pagpapatawad,+ sapagkat naghimagsik kami laban sa kaniya.+

  • Joel 2:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At hapakin ninyo ang inyong mga puso,+ at hindi ang inyong mga kasuutan;+ at manumbalik kayo kay Jehova na inyong Diyos, sapagkat siya ay magandang-loob at maawain,+ mabagal sa pagkagalit+ at sagana sa maibiging-kabaitan,+ at tiyak na ikalulungkot niya ang kapahamakan.+

  • Mikas 7:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 Sino ang Diyos na tulad mo,+ na nagpapaumanhin sa kamalian at nagpapalampas ng pagsalansang+ ng nalabi sa kaniyang mana?+ Hindi nga niya pananatilihin ang kaniyang galit magpakailanman, sapagkat nalulugod siya sa maibiging-kabaitan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share