Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 34:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 nag-iingat ng maibiging-kabaitan sa libu-libo,+ nagpapaumanhin sa kamalian at pagsalansang at kasalanan,+ ngunit sa anumang paraan ay wala siyang pinaliligtas sa kaparusahan,+ naglalapat ng kaparusahan sa mga anak at sa mga apo dahil sa kamalian ng mga ama, sa ikatlong salinlahi at sa ikaapat na salinlahi.”+

  • Nehemias 9:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Kaya tumanggi silang makinig,+ at hindi nila inalaala+ ang iyong mga kamangha-manghang pagkilos na iyong isinagawa sa kanila, kundi pinatigas nila ang kanilang leeg+ at nag-atas sila ng isang ulo+ upang bumalik sa kanilang pagkaalipin sa Ehipto. Ngunit ikaw ay isang Diyos ng mga pagpapatawad,+ magandang-loob+ at maawain,+ mabagal sa pagkagalit+ at sagana+ sa maibiging-kabaitan, at hindi mo sila iniwan.+

  • Awit 65:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  3 Ang mga bagay na may kamalian ay naging mas malakas kaysa sa akin.+

      Kung tungkol sa aming mga pagsalansang, ikaw ang magtatakip sa mga iyon.+

  • Awit 86:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  5 Sapagkat ikaw, O Jehova, ay mabuti+ at handang magpatawad;+

      At ang maibiging-kabaitan sa lahat ng tumatawag sa iyo ay sagana.+

  • Isaias 1:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 “Halikayo ngayon at ituwid natin ang mga bagay-bagay sa pagitan natin,” ang sabi ni Jehova.+ “Bagaman ang mga kasalanan ninyo ay maging gaya ng iskarlata, ang mga ito ay mapapuputing gaya ng niyebe;+ bagaman ang mga ito ay maging pula na gaya ng telang krimson, ang mga ito ay magiging gaya pa man din ng lana.

  • Isaias 44:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Papawiin ko ang iyong mga pagsalansang na gaya ng sa isang ulap,+ at ang iyong mga kasalanan na gaya ng sa isang kaulapan. Manumbalik ka sa akin,+ sapagkat tutubusin kita.+

  • Jeremias 50:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 “At sa mga araw na iyon at sa panahong iyon,”+ ang sabi ni Jehova, “ang kamalian ng Israel ay sasaliksikin,+ ngunit ito ay wala na; at ang mga kasalanan ng Juda,+ at hindi masusumpungan ang mga iyon, sapagkat patatawarin ko yaong mga hinahayaan kong maiwan.”+

  • Daniel 9:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Kay Jehova na aming Diyos ay nauukol ang kaawaan+ at ang mga pagpapatawad,+ sapagkat naghimagsik kami laban sa kaniya.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share