-
1 Hari 8:43Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
43 makinig ka nawa mula sa langit, sa iyong tatag na dakong tinatahanan,+ at gawin mo ang ayon sa lahat ng ipinananawagan sa iyo ng banyaga;+ upang makilala ng lahat ng bayan sa lupa ang iyong pangalan+ upang matakot sila sa iyo gaya ng iyong bayang Israel, at upang malaman na ang iyong pangalan mismo ay itinawag sa bahay na ito na aking itinayo.+
-
-
Isaias 57:15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 Sapagkat ito ang sinabi ng Isa na Mataas at Matayog,+ na tumatahan magpakailanman+ at may pangalang banal:+ “Tumatahan ako sa kaitaasan at sa dakong banal,+ kasama rin ng isa na nasisiil at may mapagpakumbabang espiritu,+ upang ipanumbalik ang espiritu ng mga maralita at upang ipanumbalik ang puso ng mga sinisiil.+
-