Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 19:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 At ang mga tumatahan sa kanila ay mawawalan ng lakas;+

      Sila ay talagang masisindak at mapapahiya.+

      Sila ay magiging gaya ng pananim sa parang at ng luntiang murang damo,+

      Damo sa mga bubong,+ kapag may pagkasunog sa harap ng hanging silangan.+

  • Nehemias 4:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Dinggin mo,+ O aming Diyos, sapagkat kami ay naging tampulan ng paghamak;+ at ibalik mo ang kanilang pandurusta+ sa kanilang sariling ulo, at ibigay mo sila sa pandarambong sa lupain ng pagkabihag.

  • Awit 37:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  2 Sapagkat gaya ng damo ay mabilis silang malalanta,+

      At gaya ng luntiang bagong damo ay maglalaho sila.+

  • Awit 92:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 Kapag sumisibol ang mga balakyot na gaya ng pananim+

      At namumukadkad ang lahat ng nagsasagawa ng bagay na nakasasakit,

      Iyon ay upang malipol sila magpakailanman.+

  • Isaias 37:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 At ang mga tumatahan sa kanila ay mawawalan ng lakas;+

      Sila ay talagang masisindak at mapapahiya.+

      Sila ay magiging gaya ng pananim sa parang at ng luntiang murang damo,+

      Damo sa mga bubong+ at sa hagdan-hagdang lupain sa harap ng hanging silangan.+

  • Jeremias 17:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At siya ay tiyak na magiging gaya ng punong nag-iisa sa disyertong kapatagan at hindi niya makikita kapag dumating ang mabuti;+ kundi tatahan siya sa mga dakong tigang sa ilang, sa lupain ng asin na hindi tinatahanan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share