Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 15:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 “Kung ang sinuman sa iyong mga kapatid ay maging dukha sa gitna mo sa isa sa iyong mga lunsod, sa iyong lupain na ibinibigay sa iyo ni Jehova na iyong Diyos, huwag mong patitigasin ang iyong puso o pagtitikuman ng iyong kamay ang iyong dukhang kapatid.+

  • Awit 41:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 41 Maligaya ang sinumang gumagawi nang may pakundangan sa maralita;+

      Sa araw ng kapahamakan ay paglalaanan siya ni Jehova ng pagtakas.+

  • Kawikaan 14:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 Ang humahamak sa kaniyang kapuwa ay nagkakasala,+ ngunit maligaya siya na nagpapakita ng lingap sa mga napipighati.+

  • Kawikaan 19:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Siyang nagpapakita ng lingap sa maralita ay nagpapautang kay Jehova,+ at ang kaniyang pakikitungo ay babayaran Niya sa kaniya.+

  • Kawikaan 22:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Siyang may mabait na mata ay pagpapalain, sapagkat nagbigay siya ng kaniyang pagkain sa maralita.+

  • Isaias 58:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Hindi nga ba ang magbahagi ng iyong tinapay sa gutóm,+ at ang dalhin mo sa iyong bahay ang mga taong napipighati at walang tahanan?+ Na kung makakita ka ng sinumang hubad ay daramtan mo siya,+ at na hindi mo pagtataguan ang iyong sariling laman?+

  • 2 Corinto 9:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Ngunit kung tungkol dito, siya na naghahasik nang kaunti+ ay mag-aani rin nang kaunti; at siya na naghahasik nang sagana+ ay mag-aani rin nang sagana.

  • Hebreo 13:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Bukod diyan, huwag ninyong kalilimutan ang paggawa ng mabuti+ at ang pagbabahagi ng mga bagay-bagay sa iba, sapagkat sa gayong mga hain ay lubos na nalulugod ang Diyos.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share