Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 Samuel 19:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Sa gayon ay nagsalita si Jonatan kay Saul na kaniyang ama ng mabuti+ tungkol kay David at sinabi sa kaniya: “Huwag nawang magkasala+ ang hari laban sa kaniyang lingkod na si David, sapagkat hindi siya nagkasala sa iyo at ang kaniyang mga gawa ay naging napakabuti sa iyo.+

  • 1 Samuel 22:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Dahil dito ay sumagot si Ahimelec sa hari at nagsabi: “At sino sa lahat mong mga lingkod ang gaya ni David,+ na tapat,+ at manugang+ ng hari at isang pinuno sa iyong tagapagbantay at pinararangalan sa iyong sambahayan?+

  • Esther 4:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Sapagkat kung lubusan kang tatahimik sa panahong ito, ang kaginhawahan at katubusan ay babangon mula sa ibang dako para sa mga Judio;+ ngunit kung tungkol sa iyo at sa sambahayan ng iyong ama, kayo ay malilipol. At sino ang nakaaalam kung dahil nga sa pagkakataong katulad nito kaya nagkamit ka ng maharlikang dangal?”+

  • Esther 7:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 At si Esther na reyna ay sumagot at nagsabi: “Kung nakasumpong ako ng lingap sa iyong paningin, O hari, at kung sa hari ay wari ngang mabuti, ibigay nawa sa akin ang aking kaluluwa+ ayon sa aking pakiusap at ang aking bayan+ ayon sa aking kahilingan.

  • Awit 82:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  4 Maglaan kayo ng pagtakas para sa maralita at sa dukha;+

      Mula sa kamay ng mga balakyot ay iligtas ninyo sila.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share