4“Dinggin ninyo ang salitang ito, kayong mga baka ng Basan,+ na nasa bundok ng Samaria,+ na nandaraya sa mga maralita,+ na naniniil sa mga dukha, na nagsasabi sa kanilang mga panginoon, ‘Magdala kayo, at uminom tayo!’
2 At nagnanasa sila ng mga bukid at inaagaw ang mga iyon;+ ng mga bahay rin, at kinukuha ang mga iyon; at dinadaya nila ang matipunong lalaki at ang kaniyang sambahayan,+ ang isang lalaki at ang kaniyang minanang pag-aari.+