38 Ugaliin ang pagbibigay, at ang mga tao ay magbibigay sa inyo.+ Ibubuhos nila sa inyong kandungan ang sukat na mainam, pinikpik, niliglig at umaapaw. Sapagkat ang panukat na inyong ipinanunukat ay ipanunukat nila sa inyo bilang ganti.”+
32 Bukod diyan, ang karamihan niyaong mga naniwala ay may iisang puso at kaluluwa,+ at wala ni isa man ang nagsabi na ang alinman sa mga bagay na pag-aari niya ay sa kaniyang sarili; kundi taglay nila ang lahat ng bagay para sa lahat.+
7 Gawin ng bawat isa ang ayon sa ipinasiya niya sa kaniyang puso, hindi mabigat sa loob+ o sa ilalim ng pamimilit, sapagkat iniibig ng Diyos ang masayang nagbibigay.+