Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 22:29
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 29 “Ang iyong kabuuang bunga at ang labis sa iyong pisaan ay huwag mong ibibigay nang may pag-aatubili.+ Ang panganay sa iyong mga anak na lalaki ay ibibigay mo sa akin.+

  • 1 Cronica 29:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 At nalalaman kong lubos, O Diyos ko, na ikaw ay tagasuri ng puso,+ at nalulugod ka sa pagkamatuwid.+ Ako, sa ganang akin, sa katapatan ng aking puso ay kusang-loob akong naghandog ng lahat ng bagay na ito, at ngayon ay nasisiyahan akong makita ang iyong bayan na narito at naghahandog nang kusang-loob sa iyo.

  • Kawikaan 11:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 Ang kaluluwang bukas-palad ay patatabain,+ at ang saganang dumidilig sa iba ay sagana ring didiligin.+

  • Gawa 20:35
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 35 Ipinakita ko sa inyo sa lahat ng bagay na sa pagpapagal+ nang gayon ay dapat ninyong tulungan yaong mahihina,+ at dapat ninyong isaisip ang mga salita ng Panginoong Jesus, nang siya mismo ay magsabi, ‘May higit na kaligayahan sa pagbibigay+ kaysa sa pagtanggap.’ ”

  • Roma 12:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 o siya na nagpapayo, maging abala siya sa kaniyang pagpapayo;+ siya na namamahagi, gawin niya iyon nang may pagkamapagbigay;+ siya na namumuno,+ gawin niya iyon nang may tunay na kasigasigan; siya na nagpapakita ng awa,+ gawin niya iyon nang masaya.

  • Hebreo 13:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Bukod diyan, huwag ninyong kalilimutan ang paggawa ng mabuti+ at ang pagbabahagi ng mga bagay-bagay sa iba, sapagkat sa gayong mga hain ay lubos na nalulugod ang Diyos.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share