Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 18:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 “‘Huwag kayong magpapakarumi sa pamamagitan ng alinman sa mga bagay na ito, sapagkat sa pamamagitan ng lahat ng mga bagay na ito ay nagpakarumi ang mga bansa na itataboy ko mula sa harap ninyo.+

  • Bilang 35:33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 33 “‘At huwag ninyong durumhan ang lupain na kinaroroonan ninyo; sapagkat dugo ang nagpaparumi sa lupain,+ at para sa lupain ay walang pagbabayad-sala may kinalaman sa dugo na naibubo roon maliban sa pamamagitan ng dugo niyaong nagbubo nito.+

  • 2 Cronica 33:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 At patuloy na inililigaw ni Manases+ ang Juda+ at ang mga tumatahan sa Jerusalem upang gumawa ng mas masama+ kaysa sa mga bansa na nilipol ni Jehova mula sa harap ng mga anak ni Israel.+

  • Jeremias 3:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 May kasabihan: “Kung paaalisin ng isang lalaki ang kaniyang asawa at ito ay umalis nga sa kaniya at mapasa ibang lalaki, dapat pa ba niya itong balikan?”+

      Hindi ba talagang narumhan na ang lupaing iyon?+

      “At ikaw ay nagpatutot sa maraming kasamahan;+ at dapat pa ba akong balikan?”+ ang sabi ni Jehova.

  • Jeremias 23:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 “Sapagkat kapuwa ang propeta at ang saserdote ay narumhan.+ Sa aking bahay rin ay nasumpungan ko ang kanilang kasamaan,”+ ang sabi ni Jehova.

  • Panaghoy 4:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 Dahil sa mga kasalanan ng kaniyang mga propeta, sa mga kamalian ng kaniyang mga saserdote,+

      Naroon sa gitna niya yaong mga nagbubuhos ng dugo ng mga matuwid.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share