Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Jeremias 5:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 Ang mga propeta ay nanghuhula nang may kabulaanan;+ at kung tungkol sa mga saserdote, sila ay nanunupil ayon sa kanilang mga kapangyarihan.+ At gayon ang inibig ng aking sariling bayan;+ at ano ang gagawin ninyo sa wakas nito?”+

  • Jeremias 6:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 “Sapagkat mula sa pinakamababa sa kanila hanggang sa pinakadakila sa kanila, bawat isa ay naghahanap sa ganang kaniya ng di-tapat na pakinabang;+ at mula sa propeta hanggang sa saserdote, bawat isa ay gumagawi nang may kabulaanan.+

  • Jeremias 14:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 At sinabi ni Jehova sa akin: “Kabulaanan ang inihuhula ng mga propeta sa aking pangalan.+ Hindi ko sila isinugo, ni inutusan ko man sila o nagsalita sa kanila.+ Isang bulaang pangitain at panghuhula at isang walang-kabuluhang bagay+ at ang pandaraya ng kanilang puso ang sinasalita nila sa inyo bilang hula.+

  • Jeremias 23:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 “Sapagkat kapuwa ang propeta at ang saserdote ay narumhan.+ Sa aking bahay rin ay nasumpungan ko ang kanilang kasamaan,”+ ang sabi ni Jehova.

  • Panaghoy 2:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Ang iyong sariling mga propeta ay nagpangitain para sa iyo ng walang-kabuluhan at di-nakasisiyang mga bagay,+

      At hindi nila inilantad ang iyong kamalian upang iurong ang iyong pagkabihag,+

      Kundi patuloy silang nagpapangitain para sa iyo ng walang-kabuluhan at nagliligaw na mga kapahayagan.+

  • Mikas 3:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Ang kaniyang mga pangulo ay humahatol dahil lamang sa suhol,+ at ang kaniyang mga saserdote ay nagtuturo kapalit lamang ng isang halaga,+ at ang kaniyang mga propeta ay nanghuhula dahil lamang sa salapi;+ gayunma’y patuloy silang sumasandig kay Jehova, na sinasabi: “Hindi ba si Jehova ay nasa gitna natin?+ Walang kapahamakang darating sa atin.”+

  • Zefanias 3:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Ang kaniyang mga propeta ay walang pakundangan, mga lalaking may kataksilan.+ Nilapastangan ng kaniya mismong mga saserdote ang bagay na banal; pinakitunguhan nila nang may karahasan ang kautusan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share