Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 27:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At ang lapad ng looban sa silangang panig sa dakong sikatan ng araw ay limampung siko.+

  • Awit 97:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Ang liwanag ay suminag para sa matuwid,+

      At ang pagsasaya para nga sa mga matapat ang puso.+

  • Isaias 30:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 At ang liwanag ng buwan na nasa kabilugan ay magiging gaya ng liwanag ng sumisinag na araw; at ang mismong liwanag ng sumisinag na araw ay titindi nang makapitong ulit,+ tulad ng liwanag na pitong araw, sa araw na bibigkisan ni Jehova ang pagkasira+ ng kaniyang bayan at pagagalingin+ niya maging ang malubhang sugat na dulot ng kaniyang hampas.

  • Isaias 43:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 “Huwag kang matakot, sapagkat ako ay sumasaiyo.+ Mula sa sikatan ng araw ay dadalhin ko ang iyong binhi, at mula sa lubugan ng araw ay pipisanin kita.+

  • Isaias 49:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At sinabi niya: “Naging higit pa sa isang maliit na bagay na ikaw ay maging aking lingkod upang ibangon ang mga tribo ni Jacob at upang ibalik ang mga iniingatan sa Israel;+ ibinigay din kita bilang liwanag ng mga bansa,+ upang ang aking pagliligtas ay maging hanggang sa dulo ng lupa.”+

  • Mikas 7:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Ang pagngangalit ni Jehova ay titiisin ko—sapagkat ako ay nagkasala laban sa kaniya+—hanggang sa ipakipaglaban niya ang aking usapin sa batas at ilapat nga ang katarungan para sa akin.+ Ilalabas niya ako sa liwanag; titingin ako sa kaniyang katuwiran.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share