Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 72:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 72 O Diyos, ibigay mo sa hari ang iyong mga hudisyal na pasiya,+

      At sa anak ng hari ang iyong katuwiran.+

  • Isaias 9:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 Ang kasaganaan ng pamamahala bilang prinsipe+ at ang kapayapaan ay hindi magkakaroon ng wakas,+ sa trono ni David+ at sa kaniyang kaharian upang itatag ito nang matibay+ at upang alalayan ito sa pamamagitan ng katarungan+ at sa pamamagitan ng katuwiran,+ mula ngayon at hanggang sa panahong walang takda. Ang mismong sigasig ni Jehova ng mga hukbo ang gagawa nito.+

  • Isaias 11:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 At katuwiran ang magiging sinturon ng kaniyang baywang,+ at katapatan ang sinturon ng kaniyang mga balakang.+

  • Jeremias 23:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 “Narito! Dumarating ang mga araw,” ang sabi ni Jehova, “at magbabangon ako para kay David ng isang sibol na matuwid.+ At isang hari ang tiyak na maghahari+ at kikilos nang may katalinuhan at maglalapat ng katarungan at katuwiran sa lupain.+

  • Zacarias 9:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 “Magalak kang lubos, O anak na babae ng Sion. + Sumigaw ka nang may pagbubunyi, + O anak na babae ng Jerusalem. Narito! Ang iyong hari + ay dumarating sa iyo. + Siya ay matuwid, oo, ligtas; + mapagpakumbaba, + at nakasakay sa asno, isa ngang hustong-gulang na hayop na anak ng asnong babae. +

  • Hebreo 1:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Inibig mo ang katuwiran, at kinapootan mo ang katampalasanan. Kaya naman ang Diyos, ang iyong Diyos, ay nagpahid+ sa iyo ng langis ng pagbubunyi na higit kaysa sa iyong mga kasamahan.”+

  • Apocalipsis 19:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 At nakita kong bukás ang langit, at, narito! isang kabayong puti.+ At ang nakaupo roon ay tinatawag na Tapat+ at Totoo,+ at siya ay humahatol at nakikipagdigma ayon sa katuwiran.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share