-
2 Cronica 32:15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 At ngayon ay huwag kayong magpalinlang kay Hezekias+ o magpaganyak+ man kayong tulad nito at huwag kayong manampalataya sa kaniya, sapagkat walang diyos ng alinmang bansa o kaharian ang nakapagligtas ng kaniyang bayan mula sa aking kamay at mula sa kamay ng aking mga ninuno. Kung gayon, gasino pa kaya ang inyong Diyos upang makapagligtas sa inyo mula sa aking kamay!’ ”+
-
-
Awit 2:2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
2 Ang mga hari sa lupa ay tumitindig+
At ang matataas na opisyal ay nagpipisan na tila iisa+
Laban kay Jehova+ at laban sa kaniyang pinahiran,+
-
Daniel 3:15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 Kung kayo ngayon ay handa na anupat kapag narinig ninyo ang tunog ng tambuli, ng pipa, ng sitara, ng alpang tatsulok, ng panugtog na de-kuwerdas, at ng gaita at ng lahat ng uri ng panugtog,+ kayo ay susubsob at sasamba sa imahen na ginawa ko, magaling. Ngunit kung hindi kayo sasamba, sa mismong sandaling iyon ay ihahagis kayo sa nagniningas na maapoy na hurno. At sinong diyos iyon na makapagliligtas sa inyo mula sa aking mga kamay?”+
-
-
-