Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 15:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 Sino sa mga diyos ang tulad mo, O Jehova?+

      Sino ang tulad mo, na dakila sa kabanalan?+

      Ang Isa na katatakutan+ taglay ang mga awit ng papuri,+ ang Isa na gumagawa ng mga kamangha-mangha.+

  • Awit 71:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Pupurihin din kita sa panugtog na de-kuwerdas,+

      Kung tungkol sa iyong katapatan, O Diyos ko.+

      Tutugtog ako para sa iyo sa alpa, O Banal ng Israel.+

  • Isaias 5:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Kaya kung paanong nilalamon ng dila ng apoy ang pinaggapasan+ at sa mga liyab ay natutupok ang tuyong damo, ang kanilang tuod mismo ay magiging gaya ng amoy-amag,+ at ang kanilang bulaklak mismo ay iilanlang na gaya ng alabok, sapagkat itinakwil nila ang kautusan ni Jehova ng mga hukbo,+ at ang pananalita ng Banal ng Israel ay winalang-galang nila.+

  • Isaias 10:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 At tiyak na mangyayari sa araw na iyon na yaong mga nalalabi ng Israel+ at yaong mga takas ng sambahayan ni Jacob ay hindi na muling sasandig sa isa na nananakit sa kanila,+ at tiyak na sasandig sila kay Jehova, ang Banal ng Israel,+ sa katapatan.+

  • Jeremias 51:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 “Sapagkat ang Israel at ang Juda+ ay hindi nabalo sa kanilang Diyos, kay Jehova ng mga hukbo.+ Sapagkat ang lupain ng mga iyon ay punô ng pagkakasala sa pangmalas ng Banal ng Israel.+

  • Ezekiel 39:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 7 At ang aking banal na pangalan ay ipakikilala ko sa gitna ng aking bayang Israel, at hindi ko na pahihintulutang lapastanganin ang aking banal na pangalan;+ at makikilala nga ng mga bansa na ako ay si Jehova,+ ang Banal sa Israel.’+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share