Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 21:33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 33 Pagkatapos ay nagtanim siya ng isang puno ng tamarisko sa Beer-sheba at tumawag doon sa pangalan ni Jehova+ na Diyos na namamalagi nang walang takda.+

  • Deuteronomio 33:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Isang taguang dako ang Diyos ng sinaunang panahon,+

      At sa ilalim ay ang mga bisig na namamalagi nang walang takda.+

      At palalayasin niya mula sa harap mo ang kaaway,+

      At sasabihin niya, ‘Lipulin sila!’+

  • Awit 90:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  2 Bago naipanganak ang mga bundok,+

      O bago mo iniluwal na waring may mga kirot ng pagdaramdam ang lupa+ at ang mabungang lupain,+

      Mula pa sa panahong walang takda hanggang sa panahong walang takda ay ikaw ang Diyos.+

  • Isaias 57:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 Sapagkat ito ang sinabi ng Isa na Mataas at Matayog,+ na tumatahan magpakailanman+ at may pangalang banal:+ “Tumatahan ako sa kaitaasan at sa dakong banal,+ kasama rin ng isa na nasisiil at may mapagpakumbabang espiritu,+ upang ipanumbalik ang espiritu ng mga maralita at upang ipanumbalik ang puso ng mga sinisiil.+

  • Jeremias 10:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Ngunit si Jehova ay totoo ngang Diyos.+ Siya ang Diyos na buháy+ at ang Hari hanggang sa panahong walang takda.+ Dahil sa kaniyang pagkagalit ay uuga ang lupa,+ at walang mga bansa na makatatagal sa ilalim ng kaniyang pagtuligsa.+

  • Roma 16:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 ngunit ngayon ay inihayag na+ at ipinaalam na sa pamamagitan ng makahulang mga kasulatan sa lahat ng mga bansa ayon sa utos ng walang-hanggang Diyos upang itaguyod ang pagkamasunurin sa pamamagitan ng pananampalataya;+

  • 1 Timoteo 1:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Ngayon sa Haring walang hanggan,+ walang kasiraan,+ di-nakikita,+ ang tanging Diyos,+ ay maukol nawa ang karangalan at kaluwalhatian magpakailan-kailanman.+ Amen.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share