Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 93:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  2 Ang iyong trono ay matibay na nakatatag mula pa noong sinaunang panahon;+

      Ikaw ay mula pa noong panahong walang takda.+

  • Isaias 40:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Hindi mo ba nalaman o hindi mo ba narinig?+ Si Jehova, ang Maylalang ng mga dulo ng lupa, ay Diyos hanggang sa panahong walang takda.+ Hindi siya napapagod o nanlulupaypay.+ Hindi maaarok ang kaniyang unawa.+

  • Isaias 45:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 “Bumaling kayo sa akin at maligtas,+ lahat kayong nasa mga dulo ng lupa; sapagkat ako ang Diyos, at wala nang iba pa.+

  • Jeremias 10:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Ngunit si Jehova ay totoo ngang Diyos.+ Siya ang Diyos na buháy+ at ang Hari hanggang sa panahong walang takda.+ Dahil sa kaniyang pagkagalit ay uuga ang lupa,+ at walang mga bansa na makatatagal sa ilalim ng kaniyang pagtuligsa.+

  • Habakuk 1:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Hindi ba ikaw ay mula pa noong sinaunang panahon, O Jehova?+ O Diyos ko, aking Banal, hindi ka namamatay.+ O Jehova, ukol sa kahatulan ay itinalaga mo iyon; at, O Bato,+ ukol sa pagsaway+ ay itinatag mo iyon.

  • 1 Timoteo 1:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Ngayon sa Haring walang hanggan,+ walang kasiraan,+ di-nakikita,+ ang tanging Diyos,+ ay maukol nawa ang karangalan at kaluwalhatian magpakailan-kailanman.+ Amen.

  • Apocalipsis 1:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 “Ako ang Alpha at ang Omega,”+ sabi ng Diyos na Jehova, “ang Isa na ngayon at ang nakaraan at ang darating,+ ang Makapangyarihan-sa-lahat.”+

  • Apocalipsis 15:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 At inaawit nila ang awit ni Moises+ na alipin ng Diyos at ang awit ng Kordero,+ na sinasabi:

      “Dakila at kamangha-mangha ang iyong mga gawa,+ Diyos na Jehova, ang Makapangyarihan-sa-lahat.+ Matuwid at totoo ang iyong mga daan,+ Haring walang hanggan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share