5 “Narito! Dumarating ang mga araw,” ang sabi ni Jehova, “at magbabangon ako para kay David ng isang sibol na matuwid.+ At isang hari ang tiyak na maghahari+ at kikilos nang may katalinuhan at maglalapat ng katarungan at katuwiran sa lupain.+
15 Sa mga araw na iyon at sa panahong iyon ay pasisibulin ko para kay David ang isang sibol na matuwid,+ at tiyak na maglalapat siya ng katarungan at katuwiran sa lupain.+
8 “ ‘Dinggin mo, pakisuyo, O Josue na mataas na saserdote, ikaw at ang iyong mga kasamahan na nakaupo sa harap mo, sapagkat sila ay mga tao na nagsisilbing mga palatandaan; + sapagkat narito, ilalabas ko ang aking lingkod + na si Sibol! +
“ ‘Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: “Narito ang lalaki + na ang pangalan ay Sibol. + At mula sa kaniyang sariling dako ay sisibol siya, at tiyak na itatayo niya ang templo ni Jehova. +