11 “ ‘ “At mangyayari nga na kapag nalubos na ang iyong mga araw na yayaon ka upang makasama ng iyong mga ninuno,+ ibabangon ko nga ang iyong binhi na kasunod mo na magiging isa sa iyong mga anak,+ at itatatag ko nga nang matibay ang kaniyang paghahari.+
2 Sa araw na iyon ang pasisibulin ni Jehova+ ay magiging kagayakan at kaluwalhatian,+ at ang bunga ng lupain ay magiging isang bagay na maipagmamalaki+ at isang bagay na maganda para roon sa mga nagmula sa Israel na nakatakas.+
2 At siya ay tutubo na gaya ng isang maliit na sanga+ sa harap ng isa, at gaya ng isang ugat mula sa lupaing walang tubig. Wala siyang matikas na anyo, ni anumang karilagan;+ at kapag nakita namin siya, wala roon ang kaanyuan anupat siya ay nanasain namin.+
5 “Narito! Dumarating ang mga araw,” ang sabi ni Jehova, “at magbabangon ako para kay David ng isang sibol na matuwid.+ At isang hari ang tiyak na maghahari+ at kikilos nang may katalinuhan at maglalapat ng katarungan at katuwiran sa lupain.+
8 “ ‘Dinggin mo, pakisuyo, O Josue na mataas na saserdote, ikaw at ang iyong mga kasamahan na nakaupo sa harap mo, sapagkat sila ay mga tao na nagsisilbing mga palatandaan; + sapagkat narito, ilalabas ko ang aking lingkod + na si Sibol! +
“ ‘Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo: “Narito ang lalaki + na ang pangalan ay Sibol. + At mula sa kaniyang sariling dako ay sisibol siya, at tiyak na itatayo niya ang templo ni Jehova. +
16 “ ‘Ako, si Jesus, ay nagsugo ng aking anghel upang magpatotoo sa inyo tungkol sa mga bagay na ito para sa mga kongregasyon. Ako ang ugat+ at ang supling+ ni David, at ang maningning na bituing pang-umaga.’ ”+