27 At tiyak na pangangalatin kayo ni Jehova sa gitna ng mga bayan,+ at maiiwan nga kayo na may kakaunting+ bilang sa gitna ng mga bansa na pagtatabuyan sa inyo ni Jehova.
20 “Kung papaspasan mo ang iyong punong olibo, huwag mong babalikan ang mga sanga nito na nadaanan mo. Iyon ay mananatili para sa naninirahang dayuhan, para sa batang lalaking walang ama at para sa babaing balo.+
2 Nang dakong huli ay sinabi niya sa kanila: “Ano ba ang ginawa ko ngayon kung ihahambing sa inyo?+ Hindi ba ang mga paghihimalay ng Efraim+ ay mas mabuti kaysa sa pamimitas ng ubas ng Abi-ezer?+
13 Sapagkat gayon ang mangyayari sa gitna ng lupain, sa gitna ng mga bayan, gaya ng pagpaspas sa punong olibo,+ gaya ng paghihimalay kapag ang pamimitas ng ubas ay nagwakas na.+
27 Bukod diyan, si Isaias ay sumisigaw may kinalaman sa Israel: “Bagaman ang bilang ng mga anak ni Israel ay maging tulad ng buhangin sa dagat,+ yaong nalabi ang maliligtas.+