8 At ang hangganan ay umahon tungo sa libis ng anak ni Hinom+ tungo sa dalisdis ng Jebusita+ sa timog, na siyang Jerusalem;+ at ang hangganan ay umahon sa taluktok ng bundok na nakaharap sa libis ng Hinom sa dakong kanluran, na nasa dulo ng mababang kapatagan ng Repaim+ sa dakong hilaga.
10 At ginawa niyang di-karapat-dapat sa pagsamba ang Topet,+ na nasa libis ng mga anak ni Hinom,+ upang walang isa man ang makapagparaan ng kaniyang anak na lalaki o ng kaniyang anak na babae sa apoy+ para kay Molec.+
3 At siya ay gumawa ng haing usok+ sa libis ng anak ni Hinom+ at sinunog sa apoy ang kaniyang mga anak,+ ayon sa mga karima-rimarim+ na bagay ng mga bansang pinalayas ni Jehova mula sa harap ng mga anak ni Israel.+
31 At itinayo nila ang matataas na dako ng Topet,+ na nasa libis ng anak ni Hinom,+ upang sunugin sa apoy ang kanilang mga anak na lalaki at ang kanilang mga anak na babae,+ isang bagay na hindi ko iniutos ni pumasok man sa aking puso.’+