-
Deuteronomio 12:31Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
31 Huwag mong gagawin ang gayon kay Jehova na iyong Diyos,+ sapagkat lahat ng bagay na karima-rimarim kay Jehova na talagang kinapopootan niya ay ginagawa nila sa kanilang mga diyos, sapagkat maging ang kanilang mga anak na lalaki at ang kanilang mga anak na babae ay palagian nilang sinusunog sa apoy para sa kanilang mga diyos.+
-
-
2 Hari 17:17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 at patuloy nilang pinaraan sa apoy+ ang kanilang mga anak na lalaki at ang kanilang mga anak na babae at nanghula+ sila at naghanap ng mga tanda,+ at patuloy nilang ipinagbili+ ang kanilang sarili sa paggawa ng masama sa paningin ni Jehova, upang galitin+ siya;
-
Ezekiel 20:31Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
31 At sa pagtataas ng inyong mga kaloob kapag pinararaan sa apoy ang inyong mga anak,+ nagpapakarungis ba kayo dahil sa lahat ng inyong mga karumal-dumal na idolo hanggang sa ngayon?+ Kasabay nito ay sasangguni rin ba kayo sa akin, O sambahayan ng Israel?” ’+
“ ‘Buháy ako,’ ang sabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘hindi ninyo ako mapagsasanggunian.+
-
-
-