Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 16:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 At lumakad siya sa daan ng mga hari ng Israel,+ at maging ang kaniyang sariling anak ay pinaraan niya sa apoy,+ ayon sa mga karima-rimarim+ na bagay ng mga bansang pinalayas ni Jehova dahil sa mga anak ni Israel.

  • 2 Cronica 33:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At pinaraan niya mismo sa apoy+ ang sarili niyang mga anak sa libis ng anak ni Hinom,+ at nagsagawa ng mahika+ at gumamit ng panghuhula+ at nagsagawa ng panggagaway+ at nag-atas ng mga espiritista+ at ng mga manghuhula+ ng mga pangyayari. Ginawa niya nang malawakan ang masama sa paningin ni Jehova, upang galitin siya.+

  • Isaias 57:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 yaong mga nagpapaalab ng pita sa gitna ng malalaking punungkahoy,+ sa ilalim ng bawat mayabong na punungkahoy,+ na pumapatay ng mga anak sa mga agusang libis sa ilalim ng mga awang ng malalaking bato?+

  • Jeremias 7:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 At itinayo nila ang matataas na dako ng Topet,+ na nasa libis ng anak ni Hinom,+ upang sunugin sa apoy ang kanilang mga anak na lalaki at ang kanilang mga anak na babae,+ isang bagay na hindi ko iniutos ni pumasok man sa aking puso.’+

  • Jeremias 32:35
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 35 Bukod diyan, itinayo nila ang matataas na dako ni Baal+ na nasa libis ng anak ni Hinom,+ upang ang kanilang mga anak na lalaki at ang kanilang mga anak na babae ay paraanin sa apoy+ para kay Molec,+ isang bagay na hindi ko iniutos sa kanila,+ ni pumasok man sa aking puso na gawin ang karima-rimarim na bagay na ito,+ sa layuning pagkasalahin ang Juda.’+

  • Ezekiel 20:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 At hinayaan ko silang madungisan ng kanilang mga kaloob kapag pinararaan nila sa apoy+ ang bawat sanggol na nagbubukas ng bahay-bata, upang magawa ko silang kaaba-aba, upang makilala nila na ako ay si Jehova.” ’+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share