Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 18:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 “‘At huwag mong pahihintulutang italaga+ kay Molec+ ang sinuman sa iyong supling. Huwag mong lalapastanganin+ ang pangalan ng iyong Diyos sa gayong paraan. Ako ay si Jehova.+

  • 2 Hari 16:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 At lumakad siya sa daan ng mga hari ng Israel,+ at maging ang kaniyang sariling anak ay pinaraan niya sa apoy,+ ayon sa mga karima-rimarim+ na bagay ng mga bansang pinalayas ni Jehova dahil sa mga anak ni Israel.

  • 2 Hari 17:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 at patuloy nilang pinaraan sa apoy+ ang kanilang mga anak na lalaki at ang kanilang mga anak na babae at nanghula+ sila at naghanap ng mga tanda,+ at patuloy nilang ipinagbili+ ang kanilang sarili sa paggawa ng masama sa paningin ni Jehova, upang galitin+ siya;

  • 2 Hari 21:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At pinaraan niya sa apoy ang sarili niyang anak,+ at nagsagawa siya ng mahika+ at naghanap ng mga tanda at nag-atas ng mga espiritista+ at ng mga manghuhula+ ng mga pangyayari. Ginawa niya nang lansakan ang masama sa paningin ni Jehova, upang galitin siya.

  • 2 Cronica 28:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 At siya ay gumawa ng haing usok+ sa libis ng anak ni Hinom+ at sinunog sa apoy ang kaniyang mga anak,+ ayon sa mga karima-rimarim+ na bagay ng mga bansang pinalayas ni Jehova mula sa harap ng mga anak ni Israel.+

  • 2 Cronica 33:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 At pinaraan niya mismo sa apoy+ ang sarili niyang mga anak sa libis ng anak ni Hinom,+ at nagsagawa ng mahika+ at gumamit ng panghuhula+ at nagsagawa ng panggagaway+ at nag-atas ng mga espiritista+ at ng mga manghuhula+ ng mga pangyayari. Ginawa niya nang malawakan ang masama sa paningin ni Jehova, upang galitin siya.+

  • Jeremias 7:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 At itinayo nila ang matataas na dako ng Topet,+ na nasa libis ng anak ni Hinom,+ upang sunugin sa apoy ang kanilang mga anak na lalaki at ang kanilang mga anak na babae,+ isang bagay na hindi ko iniutos ni pumasok man sa aking puso.’+

  • Jeremias 19:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 At itinayo nila ang matataas na dako ng Baal upang sunugin sa apoy ang kanilang mga anak bilang mga buong handog na sinusunog para sa Baal,+ isang bagay na hindi ko iniutos o sinalita,+ at hindi man lamang pumasok sa aking puso.” ’+

  • Jeremias 32:35
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 35 Bukod diyan, itinayo nila ang matataas na dako ni Baal+ na nasa libis ng anak ni Hinom,+ upang ang kanilang mga anak na lalaki at ang kanilang mga anak na babae ay paraanin sa apoy+ para kay Molec,+ isang bagay na hindi ko iniutos sa kanila,+ ni pumasok man sa aking puso na gawin ang karima-rimarim na bagay na ito,+ sa layuning pagkasalahin ang Juda.’+

  • Ezekiel 16:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 “ ‘At kinuha mo ang iyong mga anak na lalaki at ang iyong mga anak na babae na ipinanganak mo sa akin,+ at inihain mo sa kanila ang mga ito upang lamunin+—hindi pa ba sapat iyan sa iyong mga pagpapatutot?

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share