7 “Alalahanin mo: Huwag mong kalimutan kung paano mo pinukaw sa galit si Jehova na iyong Diyos sa ilang.+ Mula nang araw na lumabas ka mula sa lupain ng Ehipto hanggang sa pagdating ninyo sa dakong ito ay naging mapaghimagsik na kayo sa inyong paggawi kay Jehova.+
16 “At sila, ang amin ngang mga ninuno, ay kumilos nang may kapangahasan+ at pinatigas ang kanilang leeg,+ at hindi nila pinakinggan ang iyong mga utos.
25 Humihiga kami sa aming kahihiyan,+ at ang aming pagkaaba ay palaging tumatakip sa amin;+ sapagkat nagkasala kami kay Jehova na aming Diyos,+ kami at ang aming mga ama mula sa aming kabataan at hanggang sa araw na ito,+ at hindi namin sinunod ang tinig ni Jehova na aming Diyos.”+
24 Ngunit hindi sila nakinig, ni ikiniling man nila ang kanilang pandinig,+ kundi lumakad sila sa mga panukala ayon sa pagkasutil ng kanilang masamang puso,+ anupat naging paurong sila at hindi pasulong,+