-
Jeremias 20:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Ngunit si Jehova ay sumasaakin+ gaya ng isang kahila-hilakbot na makapangyarihan.+ Kaya naman ang mismong mga umuusig sa akin ay matitisod at hindi mananaig.+ Tiyak na malalagay sila sa malaking kahihiyan, sapagkat hindi sila uunlad. Ang kanilang kahihiyan na namamalagi nang walang takda ay hindi malilimutan.+
-
-
Jeremias 42:18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 “Sapagkat ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, na Diyos ng Israel, ‘Kung paanong ang aking galit at ang aking pagngangalit ay nabuhos sa mga tumatahan sa Jerusalem,+ gayon ibubuhos sa inyo ang aking pagngangalit dahil sa pagpasok ninyo sa Ehipto, at kayo ay tiyak na magiging sumpa at bagay na panggigilalasan at kasumpaan at kadustaan,+ at hindi na ninyo makikita pa ang dakong ito.’+
-
-
Daniel 9:16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
16 O Jehova, ayon sa lahat ng iyong mga gawang katuwiran,+ pakisuyo, mapawi nawa ang iyong galit at ang iyong pagngangalit mula sa iyong lunsod na Jerusalem, ang iyong banal na bundok;+ sapagkat, dahil sa aming mga kasalanan at dahil sa mga kamalian ng aming mga ninuno,+ ang Jerusalem at ang iyong bayan ay tampulan ng pandurusta ng lahat ng nasa palibot namin.+
-