Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Hari 25:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 At sinunog niya ang bahay ni Jehova+ at ang bahay ng hari+ at ang lahat ng mga bahay sa Jerusalem;+ at ang bahay ng bawat dakilang tao ay sinunog niya sa apoy.+

  • 2 Cronica 34:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 sa dahilang iniwan nila ako+ at gumawa ng haing usok para sa ibang mga diyos,+ upang galitin+ ako sa lahat ng gawa ng kanilang mga kamay+ at upang ang aking pagngangalit+ ay mabuhos sa dakong ito at hindi mapawi.’ ”+

  • 2 Cronica 36:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 16 Ngunit patuloy nilang kinakantiyawan+ ang mga mensahero ng tunay na Diyos at hinahamak ang kaniyang mga salita+ at nililibak+ ang kaniyang mga propeta, hanggang sa ang pagngangalit+ ni Jehova ay sumiklab laban sa kaniyang bayan, hanggang sa wala nang kagalingan.+

  • Jeremias 7:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 20 Kaya ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘Narito! Ang aking galit at ang aking pagngangalit ay mabubuhos sa dakong ito,+ sa mga tao at sa alagang hayop, at sa punungkahoy sa parang+ at sa bunga ng lupa; at iyon ay magniningas, at hindi iyon sasawatain.’+

  • Jeremias 39:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 At ang bahay ng hari at ang mga bahay ng mga tao ay sinunog ng mga Caldeo sa apoy,+ at ang mga pader ng Jerusalem ay giniba nila.+

  • Jeremias 52:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 Nang dakong huli ay nangyari nga nang ikasiyam na taon ng kaniyang paghahari,+ nang ikasampung buwan, noong ikasampung araw ng buwan, si Nabucodorosor na hari ng Babilonya ay dumating, siya at ang kaniyang buong hukbong militar, laban sa Jerusalem,+ at sila ay nagsimulang magkampo laban sa kaniya at magtayo laban sa kaniya ng pader na pangubkob sa buong palibot.+

  • Panaghoy 2:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  4 Niyapakan niya ang kaniyang busog tulad ng isang kaaway.+ Ang kaniyang kanang kamay+ ay lumagay sa dako nito

      Tulad ng isang kalaban,+ at pinagpapatay niya ang lahat ng mga kanais-nais sa paningin.+

      Sa tolda+ ng anak na babae ng Sion ay ibinuhos niya ang kaniyang pagngangalit, na parang apoy.+

  • Nahum 1:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Sa harap ng kaniyang pagtuligsa ay sino ang makatatayo?+ At sino ang makatitindig laban sa init ng kaniyang galit?+

      Ang kaniyang pagngangalit ay ibubuhos na parang apoy,+ at ang mismong mga bato ay ibabagsak dahil sa kaniya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share