6 At itatalaga ko iyon bilang isang bagay na sira.+ Hindi iyon pupungusan, ni aasarulin man.+ At tutubuan iyon ng tinikang-palumpong at mga panirang-damo;+ at ang mga ulap ay uutusan kong huwag magbuhos ng ulan doon.+
12 “Sino ang taong marunong, upang maunawaan niya ito, ang isa nga na kinausap ng bibig ni Jehova, upang masabi niya iyon?+ Sa ano ngang dahilan malilipol ang lupain, na masusunog na parang ilang na hindi daraanan ninuman?”+
7 “ ‘At tungkol naman sa akin, ipinagkait ko rin sa inyo ang ulan gayong tatlong buwan pa bago ang pag-aani;+ at nagpaulan ako sa isang lunsod, ngunit sa isa pang lunsod ay hindi ako nagpapaulan. May isang lupain na inuulanan, ngunit ang lupain na hindi ko pinauulanan ay natutuyo.+
11 At patuloy akong tumawag ng katuyuan sa lupa, at sa mga bundok, at sa butil, at sa bagong alak,+ at sa langis, at sa anumang isisibol ng lupa, at sa makalupang tao, at sa alagang hayop, at sa lahat ng pinagpapagalan ng mga kamay.’ ”+