12 Dito ay sinabi niya: “Sapagkat ako ay sasaiyo,+ at ito ang tanda para sa iyo na ako nga ang nagsugo sa iyo:+ Pagkatapos mong mailabas ang bayan mula sa Ehipto, paglilingkuran ninyo ang tunay na Diyos sa bundok na ito.”+
6 Magpakalakas-loob kayo at magpakatibay.+ Huwag kayong matakot o magitla sa harap nila,+ sapagkat si Jehova na iyong Diyos ang hahayong kasama mo. Hindi ka niya pababayaan ni iiwan ka man nang lubusan.”+
5 Walang sinuman ang makatatayong matatag sa harap mo sa lahat ng mga araw ng iyong buhay.+ Kung paanong ako ay suma kay Moises ay gayon ako sasaiyo.+ Hindi kita pababayaan ni iiwan man kita nang lubusan.+
20 “At sa bayang ito ay ginawa kitang isang nakukutaang pader na tanso;+ at tiyak na makikipaglaban sila sa iyo, ngunit hindi sila mananaig sa iyo.+ Sapagkat ako ay sumasaiyo, upang iligtas ka at upang hanguin ka,”+ ang sabi ni Jehova.
10 Mula sa gayon kalaking bagay na gaya ng kamatayan ay sinagip nga niya kami at sasagipin kami;+ at ang aming pag-asa ay nasa kaniya na patuloy pa rin niya kaming sasagipin.+