Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Levitico 26:44
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 44 Gayunma’y sa kabila ng lahat ng ito, samantalang nananatili sila sa lupain ng kanilang mga kaaway, ay hindi ko nga sila itatakwil+ ni kamumuhian ko man sila+ upang lipulin ko sila, upang labagin ang aking tipan+ sa kanila; sapagkat ako ay si Jehova na kanilang Diyos.

  • Nehemias 9:31
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 At sa iyong saganang awa ay hindi mo isinagawa ang paglipol sa kanila+ o iniwan+ man sila; sapagkat ikaw ay Diyos na magandang-loob+ at maawain.+

  • Awit 78:38
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 38 Ngunit siya ay maawain;+ tinatakpan niya ang kamalian+ at hindi sila nililipol.+

      At maraming ulit niyang pinawi ang kaniyang galit,+

      At hindi niya pinupukaw ang buo niyang pagngangalit.

  • Panaghoy 3:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Dahil sa mga gawa ng maibiging-kabaitan+ ni Jehova kung kaya hindi pa tayo nalilipol,+ sapagkat ang kaniyang kaawaan ay tiyak na hindi magwawakas.+

  • Ezekiel 20:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 “ ‘ “At ang aking mata ay nagsimulang maawa sa kanila upang hindi ko sila ipahamak,+ at hindi ako nagsagawa ng paglipol sa kanila sa ilang.

  • Amos 9:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 “ ‘Narito! Ang mga mata ng Soberanong Panginoong Jehova ay nasa makasalanang kaharian,+ at lilipulin niya iyon mula sa ibabaw ng lupa.+ Gayunpaman, hindi ko lubusang lilipulin ang sambahayan ni Jacob,’+ ang sabi ni Jehova.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share