Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 36:33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 33 Nang mamatay si Bela, si Jobab na anak ni Zera na mula sa Bozra+ ay nagsimulang maghari na kahalili niya.+

  • Isaias 34:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Si Jehova ay may tabak; mapupuno iyon ng dugo;+ iyon ay gagawing malangis sa taba, sa dugo ng mga batang barakong tupa at mga kambing na lalaki, sa taba+ ng mga bato ng mga barakong tupa. Sapagkat si Jehova ay may hain sa Bozra, at isang lansakang patayan sa lupain ng Edom.+

  • Isaias 63:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 63 Sino ang isang ito na dumarating mula sa Edom,+ yaong ang mga kasuutan ay may matitingkad na kulay mula sa Bozra,+ ang isang ito na may marangal na pananamit, na humahayo sa kasaganaan ng kaniyang kapangyarihan?

      “Ako, ang Isa na nagsasalita sa katuwiran,+ ang Isa na sagana sa kapangyarihang magligtas.”+

  • Jeremias 49:22
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 22 Narito! May isa na paiilanlang na parang agila at mananaklot,+ at iuunat niya ang kaniyang mga pakpak sa ibabaw ng Bozra;+ at ang puso ng makapangyarihang mga lalaki ng Edom sa araw na iyon ay magiging gaya ng puso ng asawang babaing naghihirap sa panganganak.”+

  • Amos 1:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 At magsusugo ako ng apoy sa Teman,+ at lalamunin nito ang mga tirahang tore ng Bozra.’+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share