19 At ang Babilonya, ang kagayakan ng mga kaharian,+ ang kagandahan ng pagmamapuri ng mga Caldeo,+ ay magiging gaya noong gibain ng Diyos ang Sodoma at Gomorra.+
13 Dahil sa galit ni Jehova ay hindi siya tatahanan,+ at siya ay magiging tiwangwang na kaguhuan sa kaniyang kabuuan.+ Kung tungkol sa sinumang daraan sa tabi ng Babilonya, siya ay tititig sa panggigilalas at sisipol dahil sa lahat ng kaniyang mga salot.+
39 Kaya ang mga namamalagi sa mga pook na walang tubig ay tatahang kasama ng mga hayop na nagpapalahaw, at tatahanan siya ng mga avestruz;+ at hindi na siya kailanman tatahanan, ni mananahanan man siya sa sali’t salinlahi.”+
40 “Gaya ng paggiba ng Diyos sa Sodoma at sa Gomorra+ at sa kaniyang mga kalapit na bayan,”+ ang sabi ni Jehova, “walang taong mananahanan doon, ni maninirahan man sa kaniya ang anak ng sangkatauhan bilang dayuhan.+