Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 3:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 At bababa ako upang hanguin sila mula sa kamay ng mga Ehipsiyo+ at upang iahon sila mula sa lupaing iyon tungo sa isang lupaing mabuti at maluwang, sa isang lupaing inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan,+ sa kinaroroonan ng mga Canaanita at ng mga Hiteo at ng mga Amorita at ng mga Perizita at ng mga Hivita at ng mga Jebusita.+

  • Levitico 20:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Kaya sinabi ko sa inyo:+ “Kayo, sa ganang inyo, ang magmamay-ari ng kanilang lupa, at ako naman ang magbibigay niyaon sa inyo upang ariin iyon, isang lupaing inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan.+ Ako ay si Jehova na inyong Diyos, na nagbukod sa inyo mula sa mga bayan.”+

  • Deuteronomio 6:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 At makinig ka, O Israel, at ingatan mong gawin+ ang mga iyon, upang mapabuti ka+ at upang lubha kayong dumami, gaya ng ipinangako sa iyo ni Jehova na Diyos ng iyong mga ninuno,+ may kinalaman sa lupaing inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan.

  • Josue 5:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Sapagkat ang mga anak ni Israel ay lumakad nang apatnapung taon+ sa ilang, hanggang sa maubos ang buong bansa ng mga lalaking mandirigma na lumabas mula sa Ehipto na hindi nakinig sa tinig ni Jehova, na sa kanila ay isinumpa ni Jehova na hindi niya sila pahihintulutang makita ang lupain+ na isinumpa ni Jehova sa kanilang mga ninuno na ibibigay sa atin,+ isang lupaing inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan.+

  • Ezekiel 20:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 Nang araw na iyon ay itinaas ko ang aking kamay+ bilang panunumpa sa kanila upang ilabas sila mula sa lupain ng Ehipto patungo sa isang lupain na tiniktikan ko para sa kanila, isa na inaagusan ng gatas at pulot-pukyutan.+ Iyon ang kagayakan ng lahat ng mga lupain.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share