-
Ezekiel 6:13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 At inyo ngang makikilala na ako ay si Jehova,+ kapag ang mga napatay sa kanila ay napasagitna ng kanilang mga karumal-dumal na idolo,+ sa buong palibot ng kanilang mga altar,+ sa ibabaw ng bawat mataas na burol,+ sa lahat ng taluktok ng mga bundok+ at sa ilalim ng bawat mayabong na punungkahoy+ at sa ilalim ng bawat masanga at malaking punungkahoy,+ ang dakong pinaghandugan nila ng nakagiginhawang amoy para sa lahat ng kanilang karumal-dumal na idolo.+
-
-
Ezekiel 20:28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
28 At dinala ko sila sa lupain+ na ipinagtaas ko ng aking kamay bilang panunumpa upang ibigay sa kanila.+ Nang makita nila ang bawat mataas na burol+ at ang bawat masangang punungkahoy, inihain nga nila roon ang kanilang mga hain+ at ibinigay roon ang kanilang nakagagalit na handog, at inihandog doon ang kanilang mga nakagiginhawang amoy+ at ibinuhos doon ang kanilang mga handog na inumin.+
-