Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 30:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 yaong mga humahayo upang lumusong sa Ehipto+ at hindi nag-uusisa mula sa aking bibig,+ upang sumilong sa moog ni Paraon at upang manganlong sa lilim ng Ehipto!+

  • Isaias 31:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 31 Sa aba niyaong mga bumababa sa Ehipto upang magpatulong,+ yaong mga nananalig sa hamak na mga kabayo,+ at naglalagak ng kanilang tiwala sa mga karong pandigma,+ dahil marami ang mga iyon, at sa mga kabayong pandigma, dahil napakalakas ng mga iyon, ngunit hindi tumitingin sa Banal ng Israel at hindi humahanap kay Jehova.+

  • Jeremias 2:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 At ngayon ay bakit mo ikababahala ang daan ng Ehipto+ upang inumin ang tubig ng Sihor?+ At bakit mo ikababahala ang daan ng Asirya+ upang inumin ang tubig ng Ilog?

  • Jeremias 2:36
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 36 Bakit mo itinuturing na napakawalang-halaga ng pagbabago ng iyong lakad?+ Ang Ehipto rin ay ikahihiya mo,+ kung paanong ikinahiya mo ang Asirya.+

  • Jeremias 44:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 At kukunin ko ang nalabi ng Juda na nagtutuon ng kanilang mga mukha na pumasok sa lupain ng Ehipto upang manirahan doon bilang mga dayuhan,+ at silang lahat ay tiyak na malilipol sa lupain ng Ehipto.+ Mabubuwal sila sa pamamagitan ng tabak; at sa pamamagitan ng taggutom+ ay malilipol sila, mula sa pinakamaliit at hanggang sa pinakadakila; sa pamamagitan ng tabak at ng taggutom ay mamamatay sila. At sila ay magiging isang sumpa, isang bagay na panggigilalasan at isang kasumpaan at isang kadustaan.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share