-
Isaias 31:1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
31 Sa aba niyaong mga bumababa sa Ehipto upang magpatulong,+ yaong mga nananalig sa hamak na mga kabayo,+ at naglalagak ng kanilang tiwala sa mga karong pandigma,+ dahil marami ang mga iyon, at sa mga kabayong pandigma, dahil napakalakas ng mga iyon, ngunit hindi tumitingin sa Banal ng Israel at hindi humahanap kay Jehova.+
-
-
Ezekiel 17:15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 Ngunit siya sa kalaunan ay naghimagsik+ laban sa kaniya nang isugo ang kaniyang mga mensahero sa Ehipto, upang bigyan siya nito ng mga kabayo+ at ng maraming tao. Magtatagumpay ba siya? Makatatakas ba siya, siya na gumagawa ng mga bagay na ito, at sumira ng isang tipan? At talaga bang makatatakas siya?’+
-