Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 25:30
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 30 Kaya sinabi ni Esau kay Jacob: “Dalian mo, pakisuyo, bigyan mo ako ng isang subo ng mapula—ng mapulang iyan, sapagkat ako ay pagod!” Iyan ang dahilan kung bakit tinawag na Edom+ ang kaniyang pangalan.

  • Genesis 36:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 36 At ito ang kasaysayan ni Esau, na siyang Edom.+

  • Isaias 34:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 “Sapagkat sa langit ay tiyak na matitigmak ang aking tabak.+ Narito! Sa Edom iyon bababa,+ at sa bayan na itinalaga ko sa pagkapuksa+ ayon sa katarungan.

  • Ezekiel 25:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 “Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova, ‘Sa dahilang ang Edom ay kumilos upang maghiganti sa sambahayan ni Juda at patuloy silang gumagawa ng mali nang labis-labis at ipinaghiganti ang kanilang sarili sa kanila,+

  • Amos 1:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 “Ito ang sinabi ni Jehova, ‘Dahil sa tatlong pagsalansang ng Edom,+ at dahil sa apat, ay hindi ko iyon iuurong, dahil tinugis niya ng tabak ang kaniyang sariling kapatid,+ at sapagkat sinira niya ang kaniyang pagiging maawain,+ at ang kaniyang galit ay patuloy na nanlalapa magpakailanman; at ang kaniyang poot—pinanatili niya ito nang walang hanggan.+

  • Obadias 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 1 Ang pangitain ni Obadias:

      Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova tungkol sa Edom:+ “May ulat kaming narinig mula kay Jehova, at may sugo na ipinadala sa mga bansa, ‘Bumangon kayo, at bumangon tayo laban sa kaniya sa pagbabaka.’ ”+

  • Malakias 1:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 “Sapagkat ang Edom ay laging nagsasabi, ‘Dinurog kami, ngunit babalik kami at itatayo namin ang mga wasak na dako,’ ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘Sila, sa ganang kanila, ay magtatayo; ngunit ako, sa ganang akin, ay maggigiba.+ At tiyak na ang itatawag sa kanila ng bayan ay “ang teritoryo ng kabalakyutan” at “ang bayan na tinuligsa ni Jehova+ hanggang sa panahong walang takda.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share