Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Awit 106:47
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 47 Iligtas mo kami, O Jehova na aming Diyos,+

      At tipunin mo kami mula sa mga bansa+

      Upang magpasalamat sa iyong banal na pangalan,+

      Upang magsalita nang may pagbubunyi sa iyong ikapupuri.+

  • Isaias 65:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 At ilalabas ko mula sa Jacob ang isang supling+ at mula sa Juda ang tagapagmanang magmamay-ari ng aking mga bundok;+ at aariin iyon ng aking mga pinili,+ at ang aking mga lingkod ay tatahan doon.+

  • Jeremias 23:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 “At titipunin ko ang nalabi sa aking mga tupa mula sa lahat ng mga lupain kung saan ko sila ipinanabog,+ at ibabalik ko sila sa kanilang pastulan,+ at sila ay tiyak na magiging palaanakin at darami.+

  • Jeremias 30:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Sapagkat, “narito! dumarating ang mga araw,” ang sabi ni Jehova, “at titipunin ko ang mga nabihag sa aking bayan, sa Israel at Juda,”+ ang sabi ni Jehova, “at ibabalik ko sila sa lupain na ibinigay ko sa kanilang mga ninuno, at tiyak na muli nilang aariin iyon.” ’ ”+

  • Ezekiel 11:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 “Kaya sabihin mo, ‘Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Pipisanin ko rin kayo mula sa mga bayan at titipunin ko kayo mula sa mga lupain na pinangalatan sa inyo, at ibibigay ko sa inyo ang lupa ng Israel.+

  • Ezekiel 28:25
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 25 “ ‘Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Kapag tinipon ko ang sambahayan ng Israel mula sa mga bayan na pinangalatan sa kanila,+ mapababanal din ako sa gitna nila sa paningin ng mga bansa.+ At tiyak na tatahan sila sa kanilang lupa+ na ibinigay ko sa aking lingkod, kay Jacob.+

  • Amos 9:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 At titipunin kong muli ang mga nabihag sa aking bayang Israel,+ at kanila ngang itatayo ang mga nakatiwangwang na lunsod at tatahanan ang mga iyon,+ at magtatanim sila ng mga ubasan at iinumin ang alak ng mga iyon, at gagawa sila ng mga hardin at kakainin ang bunga ng mga iyon.’+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share