Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Deuteronomio 31:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Sapagkat ako—nalalaman kong lubos ang iyong paghihimagsik+ at ang iyong matigas na leeg.+ Kung ngayon na buháy pa akong kasama ninyo, kayo ay naging mapaghimagsik sa paggawi kay Jehova,+ gaano pa nga kaya pagkamatay ko!

  • Nehemias 9:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 “Gayunman, sila ay naging masuwayin+ at naghimagsik laban sa iyo+ at patuloy na itinatapon ang iyong kautusan sa kanilang likuran,+ at ang iyong mga propeta ay kanilang pinatay,+ na nagpatotoo laban sa kanila upang ipanumbalik sila sa iyo;+ at sila ay nagsigawa ng mga gawa ng matinding kawalang-galang.+

  • Awit 78:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  8 At hindi sila dapat maging tulad ng kanilang mga ninuno,+

      Isang salinlahing sutil at mapaghimagsik,+

      Isang salinlahing hindi naghanda ng kanilang puso+

      At ang kanilang espiritu ay hindi mapagkakatiwalaan may kinalaman sa Diyos.+

  • Ezekiel 3:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 Ang iyong noo ay ginawa kong gaya ng diamante, mas matigas pa kaysa sa batong pingkian.+ Huwag kang matakot sa kanila,+ at huwag kang mangilabot sa kanilang mga mukha,+ sapagkat sila ay isang mapaghimagsik na sambahayan.”+

  • Ezekiel 24:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 At kumatha ka ng isang kasabihan tungkol sa mapaghimagsik na sambahayan,+ at sabihin mo tungkol sa kanila,

      “ ‘Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Isalang mo ang palayok na maluwang ang bibig; isalang mo, at magbuhos ka rin ng tubig sa loob nito.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share