-
Isaias 5:24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
24 Kaya kung paanong nilalamon ng dila ng apoy ang pinaggapasan+ at sa mga liyab ay natutupok ang tuyong damo, ang kanilang tuod mismo ay magiging gaya ng amoy-amag,+ at ang kanilang bulaklak mismo ay iilanlang na gaya ng alabok, sapagkat itinakwil nila ang kautusan ni Jehova ng mga hukbo,+ at ang pananalita ng Banal ng Israel ay winalang-galang nila.+
-
-
Ezekiel 20:47Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
47 At sabihin mo sa kagubatan sa timog, ‘Dinggin mo ang salita ni Jehova. Ito ang sinabi ng Soberanong Panginoong Jehova: “Narito, magpapalagablab ako ng apoy laban sa iyo,+ at lalamunin nito sa iyo ang bawat sariwang punungkahoy at ang bawat tuyong punungkahoy.+ Ang nagniningas na liyab ay hindi papatayin,+ at sa pamamagitan nito ay papasuin ang lahat ng mga mukha mula sa timog hanggang sa hilaga.+
-