48 Dahil dito ay pinadakila ng hari si Daniel,+ at binigyan niya ito ng maraming malalaking kaloob, at ginawa niya itong tagapamahala sa buong nasasakupang distrito ng Babilonya+ at punong prepekto sa lahat ng marurunong na tao ng Babilonya.
13 Sa gayon ay dinala si Daniel sa harap ng hari. Ang hari ay nagsalita at nagsabi kay Daniel: “Ikaw ba ang Daniel na mula sa mga tapon ng Juda,+ na kinuha ng ama kong hari mula sa Juda?+
29 Sa pagkakataong iyon ay nag-utos si Belsasar, at dinamtan nila si Daniel ng purpura, na may kuwintas na ginto sa palibot ng kaniyang leeg; at inihayag nila may kinalaman sa kaniya na siya ang magiging ikatlong tagapamahala sa kaharian.+