10 Huwag kang matakot, sapagkat ako ay sumasaiyo.+ Huwag kang luminga-linga, sapagkat ako ang iyong Diyos.+ Patitibayin kita.+ Talagang tutulungan kita.+ Talagang aalalayan kitang mabuti sa pamamagitan ng aking kanang kamay+ ng katuwiran.’+
2 Sakaling dumaan ka sa tubig,+ ako ay sasaiyo;+ at sa mga ilog, hindi ka aapawan ng mga iyon.+ Sakaling lumakad ka sa apoy, hindi ka mapapaso, ni bahagya ka mang susunugin ng liyab.+
10 Mula sa gayon kalaking bagay na gaya ng kamatayan ay sinagip nga niya kami at sasagipin kami;+ at ang aming pag-asa ay nasa kaniya na patuloy pa rin niya kaming sasagipin.+