Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 35:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 At magkakaroon nga roon ng isang lansangang-bayan,+ isa ngang daan; at iyon ay tatawaging Daan ng Kabanalan.+ Ang marumi ay hindi daraan doon.+ At iyon ay magiging para sa kaniya na lumalakad sa daan, at walang mangmang na maliligaw roon.

  • Isaias 60:18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 “Ang karahasan ay hindi na maririnig pa sa iyong lupain, ang pananamsam o ang kagibaan sa loob ng iyong mga hangganan.+ At ang iyong mga pader ay tiyak na tatawagin mong Kaligtasan+ at ang iyong mga pintuang-daan ay Kapurihan.

  • Nahum 1:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 “Narito! Nasa ibabaw ng mga bundok ang mga paa niyaong nagdadala ng mabuting balita, niyaong naghahayag ng kapayapaan.+ O Juda, ipagdiwang mo ang iyong mga kapistahan.+ Tuparin mo ang iyong mga panata;+ sapagkat hindi na muling daraan sa iyo ang walang-kabuluhang tao.+ Lubus-lubusan siyang lilipulin.”+

  • Zacarias 14:21
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 21 At ang bawat palayok na maluwang ang bibig na nasa Jerusalem at nasa Juda ay magiging bagay na banal na nauukol kay Jehova ng mga hukbo, at ang lahat ng naghahain ay paroroon at kukuha mula sa mga iyon at pagpapakuluan ang mga iyon. + At hindi na magkakaroon pa ng Canaanita + sa bahay ni Jehova ng mga hukbo sa araw na iyon.” +

  • Apocalipsis 21:27
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 27 Ngunit anumang bagay na hindi sagrado at sinumang gumagawa ng kasuklam-suklam+ na bagay at ng kasinungalingan+ ay hindi sa anumang paraan papasok sa loob nito;+ tangi lamang yaong mga nakasulat sa balumbon ng buhay ng Kordero.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share