Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 15:7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    •  7 At sa kasaganaan ng iyong kadakilaan ay maibabagsak mo yaong mga tumitindig laban sa iyo;+

      Inilalabas mo ang iyong nag-aapoy na galit, nilalamon sila nito na tulad ng pinaggapasan.+

  • Isaias 5:24
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 24 Kaya kung paanong nilalamon ng dila ng apoy ang pinaggapasan+ at sa mga liyab ay natutupok ang tuyong damo, ang kanilang tuod mismo ay magiging gaya ng amoy-amag,+ at ang kanilang bulaklak mismo ay iilanlang na gaya ng alabok, sapagkat itinakwil nila ang kautusan ni Jehova ng mga hukbo,+ at ang pananalita ng Banal ng Israel ay winalang-galang nila.+

  • Obadias 18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 18 At ang sambahayan ni Jacob ay magiging isang apoy,+ at ang sambahayan ni Jose ay isang liyab, at ang sambahayan ni Esau ay magiging gaya ng pinaggapasan;+ at palalagablabin nila sila at lalamunin sila. At walang matitirang buháy sa sambahayan ni Esau;+ sapagkat si Jehova mismo ang nagsalita nito.

  • Mateo 3:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Ang kaniyang palang pantahip ay nasa kamay niya, at lubusan niyang lilinisin ang kaniyang giikan, at titipunin sa kamalig ang kaniyang trigo,+ ngunit ang ipa ay kaniyang susunugin+ sa apoy na hindi mapapatay.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share