Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 51:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 “Magbigay-pansin ka sa akin, O bayan ko; at ikaw na aking liping pambansa,+ ako ay pakinggan mo. Sapagkat mula sa akin ay lalabas ang isang kautusan,+ at ang aking hudisyal na pasiya ay pananatilihin ko bilang liwanag nga sa mga bayan.+

  • Juan 3:19
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 19 At ito ang saligan sa paghatol, na ang liwanag+ ay dumating sa sanlibutan+ ngunit inibig ng mga tao ang kadiliman sa halip na ang liwanag,+ sapagkat ang kanilang mga gawa ay balakyot.

  • Juan 8:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 12 Sa gayon ay nagsalitang muli si Jesus sa kanila, na sinasabi: “Ako ang liwanag+ ng sanlibutan. Siya na sumusunod sa akin ay hindi sa anumang paraan lalakad sa kadiliman,+ kundi magtataglay ng liwanag ng buhay.”

  • Juan 9:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Hangga’t ako ay nasa sanlibutan, ako ang liwanag ng sanlibutan.”+

  • Juan 12:36
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 36 Habang nasa inyo ang liwanag, manampalataya kayo sa liwanag, upang maging mga anak ng liwanag.”+

      Sinalita ni Jesus ang mga bagay na ito at umalis at nagtago mula sa kanila.

  • 2 Corinto 6:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Huwag kayong makipamatok nang kabilan sa mga di-sumasampalataya.+ Sapagkat anong pakikisama mayroon ang katuwiran sa katampalasanan?+ O anong pakikibahagi mayroon ang liwanag sa kadiliman?+

  • Filipos 2:15
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 15 upang kayo ay maging walang kapintasan+ at walang muwang, mga anak+ ng Diyos na walang dungis sa gitna ng isang liko at pilipit na salinlahi,+ na sa gitna nila ay sumisikat kayo bilang mga tagapagbigay-liwanag sa sanlibutan,+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share